Thursday, October 15, 2015

ANG NAG-IISANG DIYOS

Romans 3:30a - "for God is One..."
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kailangan pa ba ang anting-anting?  Kailangan pa ba ang mga istatwa ni Buddha?  Kailangan pa ba ang mga pa-pungsoy?  Kailangan pa ang ibang "diyos-diyosan" sa buhay natin?

Hindi pa ba malinaw sa atin ang katotohanang iisa lang ang Diyos at Panginoon ng lahat?  Hindi pa tayo naniniwala sa katotohanang ito?

Hindi man natin lubos na mauunawaan ang tunay na kahulugan nito, iisa lamang ang katotohanang ang ating buhay at anumang ating tinatanggap ngayon ay dahil sa Kanyang pagmamahal, awa at lubos na pagpapatawad.  At sa Kanya lamang nararapat nakatutok ang ating buhay, na Siyang tunay na hinahangad ng ating puso.

Patuloy tayong naghahanap ng makapag-bibigay sa atin ng tunay na kahulugan ng ating buhay - bakit tayo naririto, ano ang gusto nating gawin, saan tayo patutungo,  Umpisahan natin yan sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kanya, pagbabasa at pag-unawa sa Kanyang Salita at pagsasapuso ng lahat ng mga ito sa pamamagitan ng pagsunod at pagtalima sa Kanyang kagustuhan.

Hindi madali ngunit maaring gawin.  Ang hirap sa iba sa atin, kaagad tayong sumusuko kapag hindi na ayon sa kagustuhan natin ang nangyayari sa ating buhay.  Naghahanap na agad tayo ng ibang paraan upang makuha natin ang ating gusto.

Balikan natin Siya.  Siya lamang ang Diyos at Panginoon.  Wala nang iba

+ Manalangin tayo:  Panginoong Ama, ikaw lamang ang Diyos ng lahat.  Ikaw lang ang aming dapat purihin, mahalin at pasalamatan sa lahat ng tinatanggap naming biyaya ngayon.  Salamat po sa patuloy mong pagmamahal sa amin.  Nawa'y di Ka mawala sa aming puso, dahil tunay lamang na ibalik namin lahat ng ito sa Iyo bilang papuri at pagsamba sa Iyo.  Amen +

No comments: