1 Chronicles 16:8 - "Oh, give thanks to the Lord, call upon His name; make known His deeds among the peoples."
----------------------------------------------------------------------------------------
Bata pa lamang tayo, tinuruan na tayong magsabi ng pasasalamat. Pag may ibinigay sa ating gustong-gusto natin, ano ang dapat nating sabihin? "Salamat po" or "Tenkyu po". Pag nabigyan tayo ng aginaldo tuwing Pasko ni ninong at ni ninang, ano ang sasabihin mo? "Salamat po, ninong...Meri Krismas po."
Tunay na napakahalagang maging mapagpasalamat tayo sa lahat ng bagay na nakukuha or ibinibigay sa atin, gaano man ito kalaki o kaliit. At sa bawat kagandahang-loob na ating natatanggap, nawa ay maibigay rin natin ang katulad na handog o biyaya sa iba.
At sa ating pagdarasal sa umaga, huwag nating kalimutang magpasalamat sa Diyos sa panibagong araw sa ating buhay. At sa anumang gawain na ating gagawin, ipaubaya natin ito sa Kanya at nawa's maisagawa natin ito ng may kahusayan, kasiyahan, at kagalakan sa ating mga puso.
Bago naman tayo matulog sa gabi, ibigay muli natin ang ating saril sa Kanya at muling magpasalamat sa isa na namang napakagandang araw na lumipas. At sa iyong pag-idlip, nawa ay gabayan ka Niya at bantayan, hanggang muli sa panibagong bukas.
Magpasalamat sa Kanya sa lahat ng pagkakataon - maganda man o hindi ang iyong nararanasan sa ngayon. Yan ang natutuhan mo mula pa pagkabata, at isang magandang kaugalian na hindi dapat kalimutan magpakailanman.
Salamat po!
+ Manalangin tayo: Panginoong Ama, nalilimutan ko minsang magpasalamat sa iyo, lalo na kung masyado akong abala sa aking ginagawa. Nalilimutan kong nandiyan ka sa tabi ko at umaalalay sa lahat ng aking gawain. Maraming salamat po, Panginoon, sa buhay na ipnagkaloob mo sa akin. Gawin mo po akong instrumento upang maunawaan rin ng iba ang Iyong kagalingan, at magpasalamat sa iyong biyaya at pagmamahal, Amen +
No comments:
Post a Comment