Mark 7:21-23 - "From within people, from their hearts, comes evil thoughts, unchastity, theft, murder, adultery, greed, malice, deceit, licentiousness, envy, blasphemy, arrogance, folly. All these evils comes from within and they defile."
---------------------------------------------------------------------------------------
Linggo na naman.
Naghahanda na naman ang ilan sa atin upang magsimba, dakilain ang Diyos at tanggapin siya sa Komunyon. Napakagandang isipin na kahit man lang sa isang araw sa isang Linggo, ay nagsasama-sama tayo upang tuparin ang panatang ito, at maging sentro ng ating buhay.
Matapos nito, ay ang pagsasalo-salo sa isang masarap an tanghalian o hapunan kasama ang ating mga mahal sa buhay
Diyos at Pamilya... ang tunay na pundasyon ng ating buhay, kung saan tunay na nakalaan ang ating lakas, talino at patuloy na pakikibaka.
Nawa'y patuloy nating damhin ang kagandahang ito. Nawa'y ipagpatuloy natin ang pananalig sa Kanya at pagbibigay pasasalamat sa Kanyang mga biyaya... sa hirap man o sa ginhawa.
Gawin natin ito, hindi lamang sa panlabas na kaanyuhan, kundi pati na rin sa mga salitang lumalabas sa ating mga bibig at mga gawaing ating ibinabahagi sa iba. Gamitin natin ang salita ng Diyos, upang pairalin ang pag-ibig sa ating pamilya at mga kaibigan.
Linggo na naman... humayo tayo at ibahagi ang salita at pagmamahal ng Diyos.
+ Manalangin tayo: Panginoong Diyos, salamat po sa isa na namang mapagpalang araw. Nawa'y magamit namin ang araw na ito upang papurihan ka at maibahagi rin sa iba ang biyaya at pagmamahal Mo. Patuloy mo kaming gabayan sa araw na ito at maisakatuparan nawa namin ang mga gawaing iniatas Mo sa amin at makamit namin ito dahil na rin sa Iyong kapangyarihan, Amen +
No comments:
Post a Comment